PLATAPORMA
AT AGENDA:
1.
Sustenableng Lokal na Ekonomiya sa pamamagitan ng Pagbibigay tuon sa Pagsasaka
at Sustenableng Agrikultura oFood Sovereignty;
2.
Nasyunalisasyon sa mga Pangunahing Industriya at mga Serbisyong Sosyal at
Pagtataas ng Subsidyo nito, Pagrepaso sa Oil Deregulation Law, Electric Power
Industry Reform Act (EPIRA) at ang Pagtutol sa Pagsasapribado (Privatization);
3.
Pagsulong ng Panukalang Komprehensibong tutugon sa mga Overseas Filipino
Workers, returnees at mga pamilya nito at ang Pag-review sa mga Kasunduan sa
pagitan ng Pilipinas at ibang bansa sa usaping OFW;
4.
Pagsulong ng Panukala Laban sa walang humpay na Pagmimina,Pagtotroso at Pagsira
sa Kalikasan (Alternatibong Batas sa Kasalukuyang Batas sa Pagmimina sa
Pilipinas);
5.
Reporma sa Party List System Election Law - pagsulong ng review at
rekomendasyon sa batas na magsasakapangyarihan sa mga Party List na tanggalin
(recall) ang representante nito sa Kongreso at ang pag-bawal sa Dinastiya sa
Party List at iba pa na wala sa batas na ito;
6.
Pagsulong ng Batas Laban sa Kontraktwalisasyon na eskima sa paggawa at ang
pagsulong ng makatarungang sahod at mga benepisyo;
7.
Pagsulong ng Batas Laban sa Dinastiya sa Politika;
8.
Palakasin ang Anti-Discrimination Law para sa mga Mamamayan at mga sector;
9.
Isulong ang Magna Carta para sa mga Mahihirap at Kabataan;
10.
Isulong ang Komprehensibong Batas ng Balangkas sa Kapayapaan at Kaunlaran sa
Mindanao na walang pagsasantabi sa anumang Mamamayan o Paniniwala;
11.
Ireview ang mga International at Local na mga Utang ng Bansa upang malaman ang
nararapat lang na bayaran at ang Pagrepaso sa Automatic Appropriation Act;
12.
Imbestigasyon sa mga Pagyurak sa Karapatang Pantao laban sa mga Pilipno at
taga-Mindanao sa loob at labas ng Bansa at Pagsulong ng akmang parusa sa mga
mapatunayang nagkasala;
13.
At iba pang maka-tao, makatarungan at maka-kalikasang programa at polisiya
kasama na ang pagpapatupad nito.
Ang
Ating mga Nominee:
1.
Amabella “Mabel” Carumba – Migranteng Settler Representative. Kilalang Peace
Advocate sa Mindanao.
2.
Acmad “Che” Macatimbol – Bangsamoro Representative. Beteranong Human Rights
Defender.
3.
Anthony Cuyong – Katawhang Lumad Representative. Boses Kabataang Lumad.
4.
Teodolita “Tanie” Suano – Lider – Kababaehan, Kumikilos para sa mga Magsasaka.
5.
Charlie “Bogs” Trozo – Lider at Kumikilos para sa mga Mangingisda at Magsasaka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento